80,824 POSITIBO, 3,189 PATAY SA CORONAVIRUS SA CHINA

Umabot na sa bilang na 80,824 ang kabuohan naitalang kaso ng nagpositibo sa Coronavirus o NCOVD-19 sa Mainland China na kung saan nagsimula ang nasabing virus.

Mayroon 11 kaso ang naitala na nagpositibo sa Coronavirus ngayon araw.

Pumalo na rin sa 3,189 ang bilang ng mga nasawi mula sa tinamaan ng nasabing virus.

Mayroon 13 ang naitalang namatay ngayon araw.

Samantala,umabot na sa 65,573 ang bilang ng mga pasyente na gumaling matapos maquarantine sa mga pagamutan para sa mga nagpositibo sa Coronavirus.

Nasa kritikal na kundisyon naman ang 3,610 na kabilang sa kabuohan bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus disease o NCOVD-19 sa buong mainland China.

CIS MEDIA PATROLER (Bhong David)

Also in the News