UK HEALTH MINISTER NAGPOSITIBO SA CORONAVIRUS DISEASE

Naka-isolate na ngayon ang opisyal na si Nadine Dorries Health Minister ng United Kingdom matapos makumpirmang nagpositibo sa Coronavirus disease o NCOVID-19.

Isinara na rin muna ang parliamentary office nito.

Ayon kay Dorries, nagsasagawa na ng contact tracing ang public health England sa kanyang mga nakasalamuha.

Lubos umano ang kanyang pag-aalala sa kanyang 84 anyos na ina na nag-aalaga sa kanya dahil may sintomas na rin ito ng ubo.

Samantala, nagpasalamat naman ang opisyal sa mga nananalangin para sa kanyang paggaling.

Also in the News

50 ESTADO SA US,LAGANAP NA ANG NCOVID-19

Umabot na sa 50 estado sa United States ang 2019 ang tinamaan ng coronavirus infectious disease (COVID-19) matapos ianunyos ng West Virginia ang kauna-unahan nitong kaso ng naturang sakit. Ayon kay West Virginia Governor Jim Justice, matagal na nilang napaghandaan ang ganitong pangyayari. Pinag-iisipan din umano ni New York City Mayor Bill de Blasio na […]