POSITIBO SA CORONAVIRUS SA PINAS,UMAKYAT SA 49 AYON SA DOH

Umakyat na sa 49 ang bilang ng nagpositibo sa Coronavirus sa Pilipinas matapos magkaroon ng 16 na panibagong kaso ng NCOVID-19 sa Bansa nitong Miyerkules.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 16 pang kaso ang panibagong nadagdag na mga nagpositibo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito umabot na sa kabuuang 49 ang naitala sa Pilipinas.

Sa ginanap na press conference nitong hapon iniulat ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na stable naman ang kondisyon ng walo sa mga bagong kaso na naka-confine sa iba’t ibang ospital sa bansa.

“DOH is continuously monitoring the statuses of all patients to ensure that no complications arise throughout their recovery.”

Sa ngayon puspusan pa rin daw ang ginagawang contact tracing ng DOH sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.

“The DOH and deployed surveillance teams are now conducting extensive information-gathering and contact tracing activities on the new cases. DOH will provide further details as soon as the information is available.”

Also in the News

50 ESTADO SA US,LAGANAP NA ANG NCOVID-19

Umabot na sa 50 estado sa United States ang 2019 ang tinamaan ng coronavirus infectious disease (COVID-19) matapos ianunyos ng West Virginia ang kauna-unahan nitong kaso ng naturang sakit. Ayon kay West Virginia Governor Jim Justice, matagal na nilang napaghandaan ang ganitong pangyayari. Pinag-iisipan din umano ni New York City Mayor Bill de Blasio na […]