DEPT.OF FILIPINO OVERSEAS AND FORIEGN EMPLOYMENT LUSOT NA SA KAMARA

Inaprubahan ng Kamara ang House Bill 5832 sa botong 173 na “Yes” at 11 na “No.”

Dahil sa 173 na boto luusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang magtatatag ng Department of Filipino Overseas and Foreign Employment (DFOFE).

Layunin ng nasabing panukalang ito na maitatag ang DFOFE na siyang tutugon sa lahat ng mga problema at pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) pati na rin ng kanilang pamilya.

Ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang siyang tatayo bilang central body ng kagawaran kapag na nasaibatas na ito.

Nakasaad sa panukala na magiging attached agencies ang Commission on Filipino Overseas at ang Overseas Workers Welfare Administration.

Ayon sa mga nagpanukala nito, aabot sa P5 billion ang kakailanganing pondo para sa bagong kagawaran.

Huhugutin ito sa kasalukuyang budget mula sa Office of Migrant Workers Affairs, Commission on Filipino Overseas, Philippine Labor Offices, International Affairs Bureau, POEA at OWWA.

Also in the News

50 ESTADO SA US,LAGANAP NA ANG NCOVID-19

Umabot na sa 50 estado sa United States ang 2019 ang tinamaan ng coronavirus infectious disease (COVID-19) matapos ianunyos ng West Virginia ang kauna-unahan nitong kaso ng naturang sakit. Ayon kay West Virginia Governor Jim Justice, matagal na nilang napaghandaan ang ganitong pangyayari. Pinag-iisipan din umano ni New York City Mayor Bill de Blasio na […]