40,000 PULIS INIHAHANDA PNP SAKALING ISAILALIM SA LOCKDOWN ANG NCR

Inihayag ito ni PNP Chief, General Archie Gamboa sa harap ng dumaraming kaso ng COVID-2019 sa NCR.

Sa ngayon inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 40,000 pulis na mangangasiwa sa kapayapaan sakaling magpasya ang pamahalaan na i-lockdown ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay Gamboa, nasa 28,000 ang pulis ng NCRPO samantalang halos 10,000 ang nasa iba’t-ibang units ng PNP sa loob ng Camp Crame.

Una rito, inaprubahan na rin ni Gamboa ang pagbili ng 300 sets ng protective gears para sa mga pulis na tutulong sa mga kapwa pulis sakaling mayroong magpositibo sa kanilang hanay.

Also in the News