11 PINOY NA SAKAY NG CRUISE SHIP SA JAPAN,NAGPOSITIBO SA CORONAVIRUS

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagpositibo sa Coronavirus Disease ang ilang pinoy na sakay ng dumaong na Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Ayon sa inilabas na ulat ng kagawaran ng DFA na hanggang February 13, 11 Filipino sa cruise ship ang nagpositibo sa sakit batay sa isinagawang pagsusuri.

Passengers stand on the deck of the Diamond Princess cruise ship anchored at Yokohama Port in Yokohama, near Tokyo, Wednesday, Feb. 12, 2020. Japan’s health ministry said Wednesday that 39 new cases of a virus have been confirmed on the cruise ship quarantined at the Japanese port. (Yuta Omori/Kyodo News via AP)

Lahat anila ng mga apektadong Filipino ay naka-confine sa iba’t ibang ospital sa bahagi ng Tokyo.

Nagpapadala naman ang DFA, sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Tokyo, ng tulong tulad ng toiletries at non-medical supplies sa mga Filipinong naka-confine.

Binisita rin ng isang team mula sa embahada ang mga Filipino para personal na kausapin ang mga doktor at social worker na nakatalaga sa mga ito.

Samantala, sinabi ng DFA na wala namang kabilang na Filipino sa panibagong batch ng 44 katao na nagpositibo sa virus.

Sa tala ng kagawaran, nasa 500 Filipino ang sakay ng cruise ship na nananatiling nakasailalim sa quarantine.

Also in the News

50 ESTADO SA US,LAGANAP NA ANG NCOVID-19

Umabot na sa 50 estado sa United States ang 2019 ang tinamaan ng coronavirus infectious disease (COVID-19) matapos ianunyos ng West Virginia ang kauna-unahan nitong kaso ng naturang sakit. Ayon kay West Virginia Governor Jim Justice, matagal na nilang napaghandaan ang ganitong pangyayari. Pinag-iisipan din umano ni New York City Mayor Bill de Blasio na […]