58-Gulang Pinay sa Dubai, nasawi dahil sa coronavirus – DOLE

58-Gulang Pinay sa Dubai, nasawi dahil sa coronavirus – DOLE

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamilya ng Pinay worker sa Dubai na namatay dahil sa Wuhan coronavirus.

Ito ang kauna-unahang Filipino na nasawi dahil sa nasabing sakit.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, isang 58-anyos na Pinay household service worker ang nasabing biktima at naninirahan dati sa General Santos City.

Mismong ang ating labor attache sa Dubai umano ang nag-relay sa kanila ng impormasyon ngayong araw lamang.

Ayon sa kalihim, nakumpirma na coronavirus ang ikinamatay nito noong Pebrero 2, 2020.

Ang bangkay ng nasabing Pinay ay iki-cremate bago iuwi dito sa Pilipinas.

Magbibigay naman daw ang gobyerno ng tulong sa kapatid at anak ng nasabing manggagawa para makapunta sa Dubai.

Also in the News

50 ESTADO SA US,LAGANAP NA ANG NCOVID-19

Umabot na sa 50 estado sa United States ang 2019 ang tinamaan ng coronavirus infectious disease (COVID-19) matapos ianunyos ng West Virginia ang kauna-unahan nitong kaso ng naturang sakit. Ayon kay West Virginia Governor Jim Justice, matagal na nilang napaghandaan ang ganitong pangyayari. Pinag-iisipan din umano ni New York City Mayor Bill de Blasio na […]