P28-M halaga ng shabu mula Thailand, naharang ng Customs NAIA

Bilang bahagi pa rin ng pagsiguro ng Bureau of Customs (BoC) na hindi makakapasok sa bansa ang iligal na droga, naharang ngayon ng bureau ang shabu na nagkakahalaga ng P28 million.

Ang 4.125 kilo ng shabu ay narekober ng Bureau sa pamamagitan ng Port of NAIA mula sa Thai passenger na si Pakjira Janwong na mula sa Bangkok, Thailand na lumapag ang sinakyang eroplano sa NAIA Terminal 3.

Ang pag-aresto sa Thai national na tinangkang magpasok ng iligal na droga ay sa pamamagitan na rin ng tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).

Naging subject ng X-ray scanning
ang hinihinalang shabu na nakasilid sa baggage at nang idaan ito sa physical examination ng mga Customs personnel ay dito na tumambad ang mga kontrabando.

Agad namang itinurn over ang banyaga kasama ang mga shabu sa PDEA para sa karagdagang imbestigasyon.

Nakatakdang sampahan si Janwong ng kasong paglabah sa for RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Also in the News