2-TAON GULANG NA SANGGOL,HINALAY NG KAINUMAN NG AMA SA MISMONG ARAW NG BAGONG TAON

Ulat ni Bhong David / CIS MEDIA NEWS CENTER

PHILIPPINES / January 2,2020

2-TAON GULANG NA SANGGOL,HINALAY NG KAINUMAN NG AMA SA MISMONG ARAW NG BAGONG TAON

Kinuyog ng mga kapitbahay ng isang padre de pamilya ang kanyang kaibigan na nakipag-celebrate lamang ng New Year sa tirahan nito ng maaktuhan niyang nakapatong habang hinahalay ang walang kamuwang-muwang na dalawan taon sanggol na anak nito sa mismong araw ng bagong taon sa Purok 1,Barangay Tambacan,Iligan City.

Kinilala ang suspek na si Ibrahim Bulo Adiong,27-anyos,binata at residente ng Barangay Tomas Cabili Iligan City.Nagtamo ng maraming pasa sa katawan at dugoan ang suspek sa pang-gagahasa sa sanggol na nang mahuli ito ng mga pulis.

Ito’y matapos pinagtutulongang bugbugin ng mga residente ang suspek dahil sa kahayupan nitong ginawa.

Sa ating natanggam na impormasyon mula Iligan City Police station, naaktuhan mismo ng ama ng biktima ang suspek na nakapatong sa bata habang natutulog sa loob ng kanilang kuwarto.

Sa laking gulat ng ama, napasigaw ito at nagwawala kung kaya’t nahuli ng mga kapitbahay ang suspek at pinagbugbogbog.

Sa ginawang body search naman ng mga otoridad, nakunan nila ito ng isang (1) sachet ng shabu sa kaniyang bulsa.

Dismayado naman ang Ama ng sanggol sa kanyang kaibigan sa ginawa nito sa kanyang na pinagbuksan niya ng pinto na makipag celebrate lang ng New Year sa kanilang bahay.

Disido ng ama ng sanggol na tuloyan ipakulong ang suspek. (CIS MEDIA NEWS CENTER)

Also in the News