GUILTY PARA SA MAGUINDANAO MASSACRE SUSPEK

CIS MEDIA NEWS CENTER / DAVAO / Mac-Mac-Writer


Mindanao Massacre Verdict :Higit isang dikada na ang nakalipas ng madugong Maguindanao Massacre, at sa wakas nagkaroon na ng hustisya ang mga taong biktima nito.

Hinatulan ng Guilty sa kasong multiple murder sa araw na ito huwebes Desyembre 19, 2019, ang ilang myembro ng pamilyang ampatuan at iba pang mga taong sangkot sa karumaldumal na krimen na ito.
Sina Datu Andal Ampatuan, Jr. ,Datu Zaldy Ampatuan Sr, Datu Anwar Ampatuan Sr., Datu Anwar Sadjid Amapatuan at iba pang mga taong kasapi nito ay nahatulang guilty sa kasung murder batay sa higit 700- pahinang desisyon ni Quezon city Regional Trial Court Branch 221 judge Jocelyn Solis Reyes.


Samantalang pina walang sala naman sina Datu Sajid Islam Ampatuan , Datu akmad Ampatuan Sr., at iba pa.
Aabot ng 40 na taong pagkabilanggo o reclusion perpetua ang parusa sa 28 na taong nahatulan na guilty, at ang 15 naman ay ikukulong ng anim hanggang sampong taon.
Sa kabila nito may 50 na akusado ang na-acquit, at pinag babayad din sila ng damyos para sa pamilya ng mga biktima.
Naglabas ng arrest warrant ang korte para sa mga iba pang kasali sa krimen.
Ang Maguindanao Massacre ang pinaka brutal na naganap sa kasaysayan ng pulitika ng Pilipinas na kung saan kumitil sa 58 na buhay ng tao kabilang na dito ang 32 na mamamahayag.
Ang insidenting ito ay maituturing na pinaka maraming namatay na mga mamamahayag sa kasaysayan ng Pilipinas.

Also in the News

50 ESTADO SA US,LAGANAP NA ANG NCOVID-19

Umabot na sa 50 estado sa United States ang 2019 ang tinamaan ng coronavirus infectious disease (COVID-19) matapos ianunyos ng West Virginia ang kauna-unahan nitong kaso ng naturang sakit. Ayon kay West Virginia Governor Jim Justice, matagal na nilang napaghandaan ang ganitong pangyayari. Pinag-iisipan din umano ni New York City Mayor Bill de Blasio na […]