6 PATAY, 7 MISSING,SA 6.9 LINDOL NA TUMAMA SA DAVAO DEL SUR-ulat ni BHONG DAVID

CIS MEDIA NEWS CENTER- December 16, 2019 | PHILIPPINES

MANILA – Sa pagtama ng 6.9 na lindol sa ilang lalawigan sa Mindanao anim katao na ang naitalang patay sa Davao del sur kung saan ang bayan ng Padada ang nagtamo ng malaking danyos.

Dahil sa maraming ari-arian rin ang nasira noong tumama ang lindol kahapon araw ng linggo at mayroon ng naiulat na mga nasawi at nasugatan kaya isinailalim na ng lokal na pamahalaan sa state of calamity ang nasabing lugar.

Batay sa kumpirmasyon ng mga otoridad, apat sa mga nasawi ay nagmula sa iba’t ibang bahagai ng probinsiya ng Davao del Sur kasama na ang isang anim na taong gulang lamang na bata na namatay matapos matabunan ng kanilang gumuhong bahay.

Kinilala ang bata na si Cherbelchen Ingador na taga-Padada, Davao del Sur.

Samantala, dalawa naman sa mga namatay ay nagmula sa gumuhong building ng Southgreen Commercial building.

Sa ngayon, tinataya ng rescue team na anim hanggang pitong katao pa ang missing at pinangangambahan na na-trap sa naturang gumuhong grocery store.

Nauna na ring deneklara ni Davao del Sur Gov. Douglas Cagas ang suspension ng klase sa lahat ng mga public at private school sa kanilang probinsiya.

Aabot din sa halos 17 mga barangays sa Davao del Sur ang apektado ng lindol.

Also in the News

50 ESTADO SA US,LAGANAP NA ANG NCOVID-19

Umabot na sa 50 estado sa United States ang 2019 ang tinamaan ng coronavirus infectious disease (COVID-19) matapos ianunyos ng West Virginia ang kauna-unahan nitong kaso ng naturang sakit. Ayon kay West Virginia Governor Jim Justice, matagal na nilang napaghandaan ang ganitong pangyayari. Pinag-iisipan din umano ni New York City Mayor Bill de Blasio na […]