ABROAD,PANGARAP NOON,SAKRIPISYO NGAYON!!!

December 15,2018 / NOUF GOMEZ -WRITER / PHILIPPINES

MANILA,PHILIPPINES- Dahil na rin sa hirap ng buhay at pagnanais na maiangat ang antas ng ating mga kapwa Pilipino dumadami ng mga kababayan na gustong makapag-trabaho abroad, meron talagang manloloko at maloloko. At kadalasan ang mga biktima ay mga Pinoy na walang ibang nais kundi ang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pag aabroad.

Walang madali sa pagtatrabaho upang kumita. At mas lalong hindi ito madali kung gagawin sa ibang bansa, malayo sa pamilya. Pero para sa milyun-milyon nating mga kababayan abroad, susugal sila bitag ng panganib kung ito anf natatanging paraan para maitaguyod ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa kabila ng pangako ng mas maginhawang buhay, may mga ilang masasakit at mapapait na realidad na kaakibat ng pagtatrabaho sa dayuhang bansa. Sa mga nakalipas na taon , hindi kayang pagtakpan at maikukublu ang dami ng ating mga kababayan na dumanas ng malagim at di makataong pang aabuso mula sa mga dayuhang amo. Ito ang dahilan kung bakit pinagtutuunan ngayon ng pansin ang paglutas sa panganib na dulot ng overseas employment ng ating gobyerno. Sino ba ang Makakalimot sa mga pangyayaring naganap ng mga nagdaang taon .Naalala nyo ba sila: Jennifer Dalquez: Nakulong ng Limang Taon Tumatayong ama at ina sa dalawang anak, si Jennifer Dalquez ay namasukan bilang domestic helper sa Abu Dhabi. Isang police officer ang kanyang naging amo. Flor Contemplacion: Pwersahang Pag Amin sa Kasalanan Tumatak sa puso ng bawat Pilipino ang kaso ni Flor Contemplacion. Namasukan bilang isang katulong sa edad na 42 sa Singapore noong taong 1991. Bagamat napilitan lamang na aminin ang pagpatay, nasintensyahan ito ng kamatayan noong 1995 dahil sa pagpatay sa kapwa OFW na si Delia Maga at ang 4 na taong gulang na alaga nito, si Nicholas Huang. Ito ay sa kabila ng matinding negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore. Ang resulta: pagkasira ng relasyon ng dalawang bansa at pagkagalit ng sambayanang Pilipino sa sinapit ni Contemplacion. Sarah Balabagan: Sandaang Hagupit Kapalit ng Bala Isang teenager na pineke ang edad makapagtrabaho lamang sa ibang bansa, si Sarah Balabagan ay kinasuhan ng pagpatay noong 1995 sa United Arab Emirates (UAE). Ito ay matapos nyang saksakin ng 34 beses ang ka-nyang employer dahil sa pagtatangkang gahasain siya ng makailang beses. Joselito Zapanta: Di Na Muling Nakauwi Ang 35 taong gulang na construction worker na si Joselito Zapanta ay nasintensyahan ng kamatayan sa salang pagpatay sa Riyadh,Saudi Arabia noong April 2010. Ito ay sa kasong pagpatay sa isang Sudanese na nagngangalang Imam Ibrahim noong 2009. Nito lamang Pebrero 16, isang malamig na bangkay ang inuwi mula sa bansang Kuwait. Siya si Joanna Demafelis, 29 taong gulang. Huli siyang nakausap ng mga kaanak noong 2016. Pinaniniwalaang dumanas sya ng matinding pambubugbog na ikinabali ng ka-nyang mga buto at internal bleeding. Marami ring natagpuang marka ng torture at palatandaan na siya ay sinakal hanggang sa mawalan ng hininga. Natagpuan ang kanyang katawan sa loob ng isang freezer kung saan siya itinago ng higit sa isang taon. Sila ay ilan lamang sa ating mga kababayan na nasadlak sa mapait na kapalaran sa Gitnang Silangan at marami pang hindi naitatala. Dahil sa Mga Pangyayaring eto Muling nabuhay ang Poot sa puso ng sambayang Pilipino . Inyong tunghayan at Abangan pa ang mga susunod na mga kwento at artikulo hinggil sa ating mga OFW . Ito ay isang panimula lamang sa mga bagong kabanata na ating tutuklasin at aalamin dto sa ating kolum na OFW FILES. to be continue……

Also in the News