MOMMY NAGBENTA NG SHABU PARA MAY PANG X-MAS PARTY ANG MGA ANAK

By December 13, 2019 | CIS MEDIA NEWS CENTER PHILIPPINES

Magdiriwang ngayon ng pasko ang isang ginang sa loob ng rehas na bakal matapos madakip ng mga awtoridad habang nagbebenta ng shabu.Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa sections 5 at 11 ng Article 2 sa Republic Act 9165 ng maaresto at makuhanan ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Butuan City Police Station 1.

Nadakip ang ginang pasado alas-dies ng gabi kahapon sa may Purok 2, Brgy. JP Rizal nitong lungsod.

Nakilala ang nahuling si Cristita Montoya, 45-anyos, single mom ng limang mga anak at residente ng Purok 1, Brgy. Haliobong sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte.Nakuha mula sa kanyang posisyon ang tatlong sachets ng suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P35,400.

Sa impormasyon ating natanggap, inihayag ni Montoya na dalawang linggo na umano silang nagbebenta ng ilegal na druga para may pang-christmas party ang mga anak.

Hindi naman aniya ito gusto,subalit wala siyang naisip na ibang paraan para magkaroon ng pera para sa christmas party ng mga anak.

Also in the News