MCVO-CIS IN ACTION

https://www.facebook.com/MediaCorrespondentVolunteersOrganition/

PATULOY NA PAGTULONG NG MCVO-CIS SA PAGTATAPOS NG TAON

Magtatapos na ang buwan ng Disyembre sa taong ito na punong-puno ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa mula sa mga kasapi ng Media Correspondent and Volunteers Organization Inc.(MCVO) at Correspondent Investigative Source (CIS Media) sa pamumuno ng inyong lingkod Founder Bhong Leonidas David.

Bakit kamo? Dahil sa kabila ng mga busy schedule ng ating mga kapatid lalo na ang ating mga chapter lider ay nagawa parin nilang isingit ang pagtulong sa buwan ito.

Una na rito ang ating mga kapatid sa MCVO KAMAO UAE Chapter na nagpaabot ng tulong para sa ating mga distressed OFWs na kasalukuyan namamalagi ngayon sa POLO Dubai habang naghihintay sa pagsasaayos ng kanilang mga papeles pauwi ng Pilipinas.

Sila yun isa mga marami natin mga kababayan na minalas sa abroad,sila yun mga nabiktima ng mga malulupit n employer,nabiktima ng Human Trafficking dahil sa mga illegal recruiter.

Kaya ngayon kapaskohan,maagang ipinadama ng ating mga kapatid sa MCVO Kamao ang pagmamahal ng grupong ito sa mga kababayan natin lalo na sa mga OFWs.

Ang nasabing gift giving program ay pinangunahan ng ating masipag na Presidente MG Garcia at sinuportahan naman ng kanyang mga opisyales at miyembro mga kaibigan at lalo na ng ating mga kawani ng ating embahada at POLO sa nasabing bansa.

Namigay ng grocery pack na may nilalaman na mga pagkain at ilang mga kagamitan sa kanilang pang araw-araw.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang ating mga kababayan distressed OFWs sa MCVO Kamao UAE Chapter.

Halos kasabay nito,nagkaroon rin tayo ng Bloodleeting program sa buwan na ito magtapos ang taon.

Pinangunahan ito ng mga kapatid natin sa CIS Media,TMX at MCVO Rizal at National sa pangunguna ni President Juliet Abalaos itong pagbibigay ng dugo sa pakikipagtulongan na rin sa Dugong Alay Dugtong Buhay.

Naging matagumpay ang lahat,dahil nakalikom tayo ng 71-bags ng dugo at itoy ibabahagi natin ng libre sa mga kababayan natin na lubos na nangangailangan nito.

Sa ngayon,ang MCVO-CIS ACTION MEDIA ay nagbibigay ng paanyaya sa lahat ng mga Motorcycle Riders na gustong maging MCVO-CIS Motorcycle NEWS & RESCUE Action Team .
Sa mga interesado maari lamang ipadala ang inyong bio-data kalakip ng registration ng inyong motor,Drivers license,PNP Clearance sa email na ito:Bhongdavid81@gmail.com.

Subaybayan rin kami tuwing linggo sa DWBL 1242khz sa inyong mga radio sa ganap na 8-9 ng gabi.Maging sa pahayagang latigo matutunghayan nyo ang pahinang ito tuwing sabado.

Also in the News