2-KOTONGERONG PULIS PASAY,TIMBOG

Manila ,Philippines

Written by:Bhong David

October 24,2019

PNP PIO photo

Kinilala ang mga pulis na dinampot ng kanilang mga kabaro na sina Cpl. Reynald Pallangeo Macwes at Cpl. Jimuel Ilagan Bernal na nakatalaga sa Pasay City Police Community Precinct 7. Kasabay nito,sinibak na rin sa pwesto ang isang precinct commander sa Pasay City matapos mahuli ang dalawang tauhan nito dahil sa pangingikil. Nakilala ang sinibak na si Capt. Mark Oyad, commander ng Pasay City Police Community Precinct 7

Nireklamo ang dalawa dahil sa pangongotong umano sa halagang P500 hanggang P1,000 sa kada biyahe ng mga bus at van operator; ipinatawag umano ni Oyad ang bus operator noong September 28 na magiging sarado na sa P1,000 ang daily collection sa kada biyahe ng mga bus at van.

Hindi pumayag ang complainant pero nagbanta umano si Oyad na huhulihin ang complainant sa kasong may kinalaman sa droga kung hindi susunod sa bagong sistema; humingi ng saklolo ang complainant sa mga awtoridad na naging dahilan ng pagkakaaresto ng dalawang pulis.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas na nahuling tumanggap umano ng pera ang dalawang pulis sa isang bus operator sa ikinasang entrapment operation sa bahagi ng Malibay.

Ani Sinas, nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng pangongotong umano nina Macwes at Bernal ng P500 hanggang P1,000 sa kada biyahe ng mga bus at van operator.

Dito na nagreklamo ang bus operator sa mga otoridad dahilan ng pagsasagawa ng surveillance ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Intelligence Group (IG) sa mga suspek.

Samantala,patuloy naman ang imbistigasyon kay Oyad at mga tauhan nito.

Also in the News