MCVO-CIS IN ACTION KAY GENERAL FAELDON,HARI NG SABLAY!!!

COLUMNIST: BHONG LEONIDAS DAVID

8/31/2019 / PHILIPPINES

Nicanor Faeldon chief of the Bureau of Corrections

Matunog ang alingasngas na dumadawit na naman sa pangalan nitong dating BOC ngayon ay nailipat sa BUCOR.

Ito ay patungkol sa batas na magpapalaya sa mga bilanggo na matagal ng nakapiit sa Bureau of Corrections ng National Bilibid Prisons sa Muntinlupa . RA 10592 o Good Conduct Time Allowance o GCTA ,ito ang batas na magpapalaya sa mga bilanggo na nagpapakita ng kabutihan o pagbabago sa kanilang mga sarili para mabigyan ng second chance na makalaya mula sa matitigas pader at rehas.

Isa na rito ang sinasabing dating Mayor ng Calauan,Laguna na nakulong dahil sa panggagahasa at pagpatay sa UP student na si Eileen Sarmenta at kasama nitong si Allan Gomez sa kamay ni Sanchez noong Hunyo 21, 1993.

Kaya opinyon ng ilan,baka anya ginagamit lang ng mga convicted criminalas ang batas na ito para makalaya.

Kaya nitong ilang araw ang nakalipas,naging matunog ang di umanoy paglaya mula sa kulongan ni Sanchez na mariin naman tinutulan ng taumbayan.Ang ang tinuturong nag-aproba nito para sa kanyang paglaya ay,itong si dating General Nicanor Faeldon.

“Maaaring makakasama siya (Sanchez) sa more or less 11,000 na mga person deprived of liberty (PDL) na makakalabas in the next 2 months,” ani BuCor Director General Nicanor Faeldon

Dagdag ni Faeldon si Sanchez ay isa sa higit 10,000 preso na makikinabang sa isang batas na tinataasan ang “good conduct time allowance” para sa mga mabubuti ang asal sa loob ng kulungan. So what!!!Hindi nararapat yan bigyan ng 2nd chance ang kagaya niyang salot.Maari diyan hatol na bitay.

Anak ng tinapa,bakit lagi nadadawit itong mamang ito?Totoo ba talaga na may anomalya sa kanyang liderato? Kilala nyo na siguro kung sino ang tinutukoy ko.Dating Magdalo rin ito na umaklas noon panahon Gloria.Kasama nito ang dalawang maingay na sundalong kanin.

Yun isa ngayon,may kinahaharap na kasong kidnaping,dahil sa sobrang pagkakahumaling nito sa tatto,lalo na kapag dragon.Yun isa naman mahilig sa dagat subalit parehong talunan.

Balik tayo rito kay Nicanor Faeldon,na ayon sa sa balita pinirmahan niya umano ang release order ni Sanchez na may petsang Agosto 22 ngayon taon.Aba’y paki-explain nga ito General!! Isang kilabot na kriminal, karapatdapat ba na bigyan ng second chance? Pero ayon kay Senator Bato Dela Rosa,Yes!!! Subalit kalaunan kumambyo rin ang mamang senator matapos batikusin ng sambayan pilipino.Ops teka walang iyakan ah, hahahaha napapag-usapan lang.

Hindi pa dito nagtatapos,dahil ayon pa sa ulat ilang Chinese national na ang unang nakalaya sa BUCOR na may kasong illiegal drugs.Aba’y matindi itong si General.

Kung sa BOC,tonetoneladang droga ang nakalusot at nawawala,ngayon naman mga convicted drug lord at criminal nakakalaya? Ohh my Gushh!!!! Ano kaya masasabi ni Duterte sa ginagawa ng bata nya?

Kahit saan naipwesto itong General na ito ay may kontrobersyal at kapalpakan.Nilagay ka ba diyan para magpalaya ng nga convicted druglords at kriminals?

Sige nga pa explain ulit General Nicanor Faeldon kung ano na naman palusot mo.

PARA SA INYONG OPINYON AT SUMBONG IPADALA LAMANG SA bhongdavid81@gmail.com.

Also in the News