MCVO-CIS IN ACTION,YES FOR DEPARTMENT OF OFW!

MCVO-CIS IN ACTION YES FOR DEPARTMENT OF OFW!
By: Bhong Leonidas David

Senator Franklin Drilon,hindi na raw kailangan ang Department of OFW kung nagagawa naman ng DOLE.

Tinamaan ka ng magaling yan utak mo,tutulogtulog ka kasi sa pansitan kaya wala kang pakialam sa mga nangyayari at pahirap sa OFWs na hindi naman polidong nagagampanan ng DOLE at OWWA. Ika nga seasonal nalang ang labanan pag medyo wala ng ibang gagawin o talagang trending na kaya kikilos.

Ang OFWs doble sakripisyo dahil malayo sa pamilya at nagtitiis sa hindi makataong pagtrato ng kanilang foriegn employer.

Mister Drilon,isa kang walang kwentang senador.Magaling ka gumawa ng batas pero hindi ka makatao.

Ang ating mga kababayan OFWs ay hindi pabigat sa gobyerno at hindi umaasa sa ekonomiya ng palpak na pamamalakad ng maraming dumaan na diktatura.Marami lang sa kanila biktima ng panahon at mapagsamantalang nilalang.

Ang OFWs ay nagbabayad ng lahat ng kailangan bayaran para makaalis ng bansa para doon magpapaalila.Bakit sa inaakala mo masarap ang buhay abroad? Ikaw,kasama ng mga kasamahan mo,Ano ang naibibigay nyong malasakit sa tinatawag na bagong bayani ng pilipinas?

Ang OFWs ay nagbabayad rin ng Tax,mula sa kanilang mga binibili,pinapadala at bago umalis.Kawawa nga sila,hindi pa man nakaalis baon na agad sa utang.

Ang OFWs ba nakakaabala sa bangketa?Nag-iligal housing ba?Kung ang OFWs nagsasakripisyo emosyonal maging ng kanilang buhay para sa pamilya at hindi maging pabigat sa gobyerno.Nagsisikap po sila para magkaroon ng maayos pamumuhay.

Bakit tayo naghahanap ng kalinga ng gobyerno? Siyempre,ang mga kababayan natin OFWs ay Pilipino at nagbabayad o mayroon kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.

Eh kayo? Nagpapasam-sam lamang sa pinaghirapan ng taumbayan.Maswerte kayong pinanganak na may maayos na antas ng pamumuhay.Maswerte kayo na naihalal kayo ng taumbayan,kaya maari lang suklian nyo ng tamang paglilingkod.

Bakit ba tayo gusto na magkaroon ng sariling departamento ang OFWs? Ito sagot sa mga hindi OFWs alam ko hindi kayo makakarelate sa usaping ito.

Subalit,kaming mga OFWs,maganda man ang aming katayuan,naging maswerte man sa mga bansa na amin napuntahan,naging mapalad man sa aming mga employer.Nandito parin kami na may malasakit sa marami natin kababayan OFWs na minalas at biktima ng pang-aabuso.

Ano ang pakiramdam mo,kapag nakikita mo na humahagulhol sa pag-iyak ang kanyang mga anak,kapatid,magulang o buong pamilya dahil ang isang OFWs umuwi na nakakahon? Mayroon umuwi na naka-wheelchair,mayroon rin umuwi na suot lamang ang mayroon siya.Baon pa sa utang.

Department of OFWs na siya dapat ang magdidikta sa mga recruitment agencies na nagpapaalis sa ating mga kababayan na gusto mangibang bansa.Ayaw po ba ninyo Mister Drilon na safe at legal ang ahensiya na magpapaalis sa ating kababayan?

Gusto mo ba na mabiktima ng Human Trafficking ang mga kababayan natin ng maraming naglipana na mga ahente at illigal recruiter? Imulat mo ang mata mo sa makataong desisyon,wag puro pansariling interes lamang ang iyong intensiyon.

Kaming mga OFWs Advocate,alam namin ang problema ng maraming OFWs.Kaya alam namin kung ano ang kailangan ng mga OFWs.
DEPARTMENT OF OFW at qualified OFWs ang mamamahala.Hindi si kung sinong bulaan propeta at Poncio Pilato higit sa lahat hindi BUWAYA!!!! Bato-Bato sa langit ang tamaan kapag masasaktan malamang isa ka sa kanila.

Para sa inyong Komento ipadala lamang sa email @ Bhongdavid81@gmail.com.MCVO-CIS IN ACTION serbisyong Makatao at Makabayan.Subaybayan lamang tayo sa Latigo Weekly News your National Tabloid,Europe Pinoy Magazine,Silip Europe Pinoy TV simulcast at PTV 4 Lakbayan ang Magandang Pilipinas at MCVO-CIS IN ACTION SA KAMAO SA RADYO ng CIS MEDIA PHILIPPINES ONLINE TELERADYO.

PLEASE SHARE TO SUPPORT OUR ADVOCACY

Also in the News