FILIPINO LGBT BUMIDA SA AMSTERDAM CANAL BOAT PARADE

MCVO-CIS NEWS TEAM

FILIPINO LGBT BUMIDA SA AMSTERDAM CANAL BOAT PARADE

NASILAYAN sa kauna-unahang pagkakataon sa isang malaking selebrasyon sa Europa ang 1st Filipino and Asian Boat na nakasama sa Canal Boat Parade sa Amsterdam,The Netherlands ngayon taon buwan ng Agosto.

Wow na Wow, Yes!!! Mapapa-wow ka talaga kung ikaw ay isang Filipino na naninirahan sa The Netherlands.

Ang Boat Parade ay taunang selebrasyon na ginaganap sa Amsterdam.Ngayon taon ay kabilang na ang Filipino LGBT sa 80 bangka na kalahok sa nasabing parada.

Abay,siyempre proud ang ating mga kapatid na Filipino LGBT na maipakita ang kanilang talento sa pagsayaw at ang ating tradisyonal na kasuotan mula sa mga sikat na rehiyon sa bansang Pilipinas.

Nasaksiyan ng mahigit kumulang kalahating milyon katao na dumalo sa nasabing selebrasyon ang makulay na disenyo ng mga bangka na kabilang sa parada.

Siyempre mga idol, hindi magpapatalo ang ating pambato ang BALANGAY ito ang tawag sa sikat at makasaysayang Barko ng Pilipinas dahil nasungkit ng Filipino LGBT ang 3rd placer para sa best boat design. Di ba nakakabilib? Unang pagkakataon pa lamang mayroon na agad nasungkit na papuri.Ano ma say mo? Wala ka ma say noh? Kaloka!

Winagayway rin ang bandila ng Pilipinas habang ginaganap ang parada bilang pagpapakilala at pagpapakita na proud tayo bilang Pilipino.

Kasama rin sa parada ang Pinoy at tinanghal na Mr. Gay World 2019 na si Janjep Carlos.

Nagsimula itong selebrasyon noon 1996 at ngayon taon-taon na itong inaabangan at dinarayo ng maraming torista.

Bago palang sumapit ang takdang araw ng selebrasyon ay nakapanayam na natin ng personal itong Founder ng Filipino LGBT Europe na si Chris SB sa ating progrma ng #UsapangPinoyEurope ng MCVO-CIS Media Philippines at doon nalaman natin kung ano ang misyon ng Filipino LGBT Europe.Nalaman rin natin na marami na rin silang natulongan na mga kababayan rin natin mga LGBT sa Pilipinas sa loob ng maiksing panahon na sila ay naitatag.

Sinusulong rin ng Filipino LGBT Europe ang maging ligtas o maibsan ang patuloy na paglaganap ng HIV virus sa ating mga kababayan.Kaya mayroon silang mga free seminar sa mga kabataan sa ngayon para maging ligtas sa peligrosong sakit.Kasama rin sa kanilang adbokasiya ang pagsulong sa same sex marriage sa Pilipinas at dapat kilalanin rin ng batas ng Pilipinas ang kanilang kasal dito sa Europa.MCVO-CIS IN ACTION-BHONG DAVID.

Also in the News