137-KATAO,NA FOOD POISONING SA 90th BIRTHDAY NI IMELDA MARCOS

Ulat ni CIS INVESTIGATIVE TEAM BOBBY DAGDAG JR

HULYO 3,2019 / MANILA,PHILIPPINES

137-KATAO,NA FOOD POISONING SA 90th BIRTHDAY NI IMELDA MARCOS


Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang umabot sa 137 katao matapos mabiktima ng hinihinalang food poisoning, araw ng Miyerkules sa araw ng kaarawan ni Emilda Marcos.

Ayon sa pulisya, nasa 2,500 katao ang dumalo sa selebrasyon ng ika-90 kaarawan ni dating First Lady Imelda Marcos.

Idinaos ang selebrasyon sa Ynares Sports Arena sa Antipolo City.

Isinugod ang mga biktima sa iba’t ibang public hospital na malapit sa lungsod.

Nangako naman ang anak ni Imelda na si Senator Imee Marcos na bibisitahin ang mga biktima at babantayan ang kundisyon sa ospital.

Samantala, sa Twitter, sinabi ni Senator Richard Gordon na nagpadala na ng Philippine Red Cross (PRC) medic teams sa lugar.

Ang tatlo ay inilipat aniya sa Rizal Medical Center.

Patuloy naman ang imbistigasyon hinggil sa nangyari.Inaalam kung saan nakuha ang ng mga tao ang sanhi ng kanilang pagsusuka at pagtatae.

Also in the News