LIBRENG SAKAY NG DOTr PARA SA MGA ESTUDYANTE,TAGUMPAY SA UNANG ARAW

ULAT NI: BHONG DAVID

HULYO 1,2019 / MANILA / PHILIPPINES

Naging matagumpay ang unang araw ng libreng sakay para estudyante.Umabot sa 5,000 estudyante ang naitala na nakinabang sa unang araw ng handog ng Department of Transportation (DOTr).

Sa ginanap na pre-SONA Economic and Infrastructure Forum kanina, inanunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hanggang alas-11:30 kaninang umaga ay nasa 5,000 estudyante na ang nagbenepisyo at nag-apply para sa free ride sa LRT Line 2, MRT-3 at PNR.

Para sa pilot run ngayong araw, kinailangan lang ipakita ng mga estudyante ang kanilang ID.

Pero kalaunan ay kakailanganin na nila ng isang “free ride ID”. Makakakuha nito sa pamamagitan ng pagre-register sa website ng DOTr, MRT-3 at LRTA.

Kumpiyansa naman si Tugade na makakayanan ng DOTr ang patuloy na pagbibigay ng libreng sakay sa mga estudyante sa pamamagitan ng suporta at pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF).

Also in the News