LALAKI GUMAGAWA NG CHORIZO,PATAY,MATAPOS LAMUNIN NG GILINGAN SA ILOILO


Photo credit to Panay News

ULAT NI:CIS PATROL REPORTER RAFAEL DELA TORRE,Tigbauan Iloilo

 Hunyo 22, 2019 11:20am GMT+08:00 

Patay ang isang worker ng isang pagawaan ng chorizo sa Iloilo City matapos lamunin ng makina na ginagamit na gilingan ng karne ang kanyang kalahating katawan.

Kinilala ang biktima na si Jomar Julbo, 18-anyos, trabahante sa pagawaan ng chorizo sa Barangay Mansaya-Lapus sa Iloilo City.

Batay sa ulat, aksidenteng naipasok ni Jomar and kaniyang kanang kamay sa makina at hindi na niya nahila ito, hanggang sa unti-unting nilamon na ng makina ang kalahati ng kaniyang katawan.

Lubos naman ang pakikidalamhati ng mga kaibigan at kakilala ng biktima sa kanyang sinapit.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. — CIS PATROL REPORTER RAFAEL DELA TORRE ,Tigbauan Iloilo

Also in the News